I thought it was over, but…

I posted this on Facebook few weeks ago.

To BM3

Sana kaya pang maibalik ang dati
Ang dati kung kelan puno ng ngiti ang ating mga labi
Huli na nga ba para maisalba ang pagkakaibigan
Na anim na taon na rin nating pinanghahawakan.

Nagkaroon tayo ng gusot noon
Pero di tayo nagpadaig sa hamon na iyon
Naiisip nating mas mahalaga ang pagkakaibigan
Kaya naman isinantabi natin ang ating tampuhan

Hindi ko sinasadyang magkamali
Nabura ko ang mga ngiti sa’yong mga labi
Sana mapatawad mo na ako
Dahil isa kang mahalang kaibigan sa buhay ko….

*

</3

Hindi ko alam kung nabasa niya ito eh 😐

..

Well, this is basically about my best friend and our friendship.

Since 2nd yr high school pa kami friends then turned best friends, ang tawag ko sakanya ay “Nak” at ang tawag naman niya sakin ay “Nay”. We’re like a family kasi sa class, ako ang nanay at isa siya sa mga anak ko. Hehehe 😀

Syempre hindi maiiwasan ang mga tampuhan kasi kasama talaga yun sa friendship, pero kahit papano ay naayos naman namin.

Till college eh ganun pa rin (schoolmates kami), but recently (February) may nagawa akong pagkakamali, pero promise, di ko talaga sinsadya, kasi akala ko okay eh.

After nun, di niya ako pinansin at tinext, sinabi naman niya na hindi na muna siya magtetext, alam kong mali ako. Kaya sinabi ko: “I understand.”

Kaya kahit nagkakasalubong kami sa corridor sa school o kaya sa lobby, imbes na magha-hi ako sakanya or ngingitian siya, nakayuko na lang ako.

Ang hirap, isa kasi siya sa closest friends ko, ang bigat sa pakiramdam, di ko maiwasang di malungkot at di maiyak. Basta nagkaroon ng isang beses na bigla na lang ako umiyak kasama ang mga kaklase ko nung nakita ko siya. Ang bigat kasi sa pakiramdam. Iniisip ko na baka hindi na mabalik yung kung anong meron kami nuon. Sayang kasi, almost 7 years na kasi kami eh,.

Friends pa rin naman kami sa FB though hindi ko ma-like yung photos or status niya kasi nahihiya at natatakot ako.

But then..

Nitong Easter Sunday(04-20-14) lang ay nag-GM ako. Para batiin ang friends ko ng Happy Easter. Naglakas ako ng loob na isama siya sa madadaanan ng message ko. And then…

Siya pa ang pinaka-unang nagreply. Nagulat ako at naluha. Kasi natutuwa ako, kasi baka kahit papano eh okay na kami. Tapos konting kamustahan then its over na ulit. Pero the fact na nagreply siya sakin at tinawag ulit akong “nay” with smiling face 🙂 pa is heavenly. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. At sobrang saya ko.

Thanks God~!

Share langsss 🙂

 

❤ ❤ ❤

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s