Lihim Na Pagtingin

May bago akong tula.

Dahil sa wala akong magawa at nagda-drama ako, eto ang kinalabasan.

 

Lihim Na Pagtingin

***

Noong una, hindi ko pinansin

Dahil hindi pwede ang nilalaman ng aking damdamin

Hinahadlangan ng ating kasalukuyang estado

Ako’y isang estudyante, at ikaw naman ay ang aking guro

*

Alam ko sa sarili kong napakalabo nito

Ngunit hindi ko mapigilan ang pagtibok ng puso ko

Itinago ko ang paghanga sa’yo

Dahil malaking problema kapag nabunyag ito

*

Ilang araw at buwan na ang lumipas

Lihim na pagtingin, nasa likod pa rin ng rehas

Pasulyap-sulyap sa’yo parati

At ako’y palaging hindi mapakali

*

Nag-ipon ako ng lakas ng loob para sabihin sa’yo

Ang damdaming halos kalahating taon ng nakatago

Ngunit ako’y natakot at pinangunahan ng kaba

Sapagkat may mga karibal ako sa’yong mga mata

*

Di ko inaasahang marami pala kami

Mga babaeng gusto ka ring mapangiti

May mga bagay silang kayang gawin

Ngunit di ko magawa, dahil ako’y mahiyain

*

Hanggang titig na lamang ba ako

At sadyang di ko maagaw ang atensyon mo?

Sana kahit minsan lang ay ako’y mapansin

Para kahit papaano ay mapangiti mo ang aking damdamin.

***

</3

03-27-14

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s